Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang pagkakaiba ng komunidad noon at ngayon


Sagot :

Answer:

Komunidad

Ang komunidad ay tinatawag ding pamayanan na tumutukoy sa isang lugar kung saan naninirahan ang isang grupo o pangkata ng mga tao o mamamayan. Sama-samang namumuhay ng payapa, may pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat isa.

Pagkakaiba ng komunidad noon at ngayon

Noon

1. Noong unang panahon masasabing buhay na buhay at nanatili sa isang komunidad ang;

  • bayanihan o pagtutulungan ng mga mamamayan sa aming komunidad
  • pakikiisa sa mga programa at poyektong pang pamayanan
  • kaugalian ng pagbibigayan lalo na sa mga taong nangangailangan
  • pagkakaroon ng respeto sa isa't isa
  • pagiging masunurin ng bawat isa sa mga batas at patakaran na ipinatutupad

2. Noong una ang komunidad ay napapanitili ang kaayusan at kalinisan ng komunidad, walang polusyon at sariwa pa ang nasasagap na hangin ng mga tao.

3. Maayos ang pamumuhay ng bawat isa dahil ramdam ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao.

4. Disiplinado ang mga tao sa komunidad.

Ngayon

  1. Masasabi pa rin namang buhay ang kaugalian ng bayanihan sa ibang pamamaraan na nagtutulungan ang bawat isa kahit na sa maliit na pamamaraan.
  2. Nawawala na ang disiplina ng mga tao kahit sa simpleng pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan ay hindi na magawa ng iba.
  3. Pagkakaroon ng polusyon sa hangin at sa tubig na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga sakit ng tao.
  4. Lumala na rin ang mga krimen dahilan sa kahirapan.
  5. Sa kabila ng mga negatibong pagbabago ngayon, mas umaangat naman ang ekonomiya ng bansa dahilan sa malakas na ugnayan sa iba pang mga bansa at pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang pamumuhay ng mga tao.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na:  

Iba’t Ibang Sektor ng Lipunan: brainly.ph/question/593588

Ibig sabihin ng Komunidad: brainly.ph/question/305032  

#BetterWithBrainly