Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang salitang artipisyal ay nangangahulugang peke, hindi totoo hindi natural, ginawa lamang. Dahil na din sa teknolohiya nadaragdagan ang kaalaman ng tao sa pagpaparami ng mga bagay, halaman, hayop at maging sa tao.
Malawak ang gamit ng salitang artipisyal. Maaari itong gamitin sa mga sumusunod:
1. Artipisyal na pagpili
Ang artipisyal na pagpili o selektibong pagpaparami ay ang sinasadyang pagpaparami ng mga katangian ng isang organismo o kombinasyon ng mga ito.
Halimbawa: pagpaparami ng lahi (breed) ng isang aso.
2. Wikang artipisyal
Ang wikang artipisyal ay tumutukoy sa mga wika o lengguwaheng inimbento lamang.
Halimbawa: Esperanto, Lojban, Interlingua, Klingon, Toki Pona, Lingua Franca Nova, at Vling.
Sa Ingles tinatawag itong Conclang mula sa salitang constructed language, artificial language, planned language, model language o invented language o iba pa.
3. Pagpaparami ng pananim
Ito ay ginagawa gamit ang sanga, dahon o usbong ng tanim. Ang mga hakbang na ginagawa dito ay ang Pasanga o (cutting), marcotting o air layering, inarching, grafting.
4. Artipisyal na kakulangan
Ang kakulangan ay isang kalagayan na panandalian lamang. Sinasabi na angkalagayang ito ay maaaring gawa o likha ng tao. Ito ang nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang ng supply ng isang produkto. Angpagkakaroon ng artipisyal na kakulangan ay madalas na nangyayarisa isang ekonomiya.
Halimbawa: Ang artipisyal na kakulangan ng bigas sa pamilihan na nangyayari kapag itinatago ng mga negosyante ang produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo, o tinatawag na hoarding.
5. Artipiysal na inseminasyon
Ito ay isang sistema ng pagpapalahi ng kung saan ang semilya ng barako ay kinokolekta at inilalagay sa ari ng naglalanding inahin gamit ang A.I catheter.
6. Pagbubuntis o pagkakaroon ng anak
Sa mga mag asawang hindi nagkakaanak o hindi nabubuntis ang babae may mga ginagawang paraan na ngayon para sila ay magkaroon ng anak. Subalit ang mga prosesong ito ay napakamahal at ang iba ay sa ibang bansa pa ginagawa.
Isang halimbawa dito ay ang proseso ng In vitro fertilization o IVF.
Ang In vitro fertilization ay isang proseso ng pagpapahinog kung saan ang isang itlog ay pinagsama sa sperm sa labas ng katawan, sa vitro. Kasama sa proseso ang pagsubaybay at pagpapasigla sa proseso ng obulasyon ng isang babae, pag-aalis ng isang ovum o ova mula sa mga ovaries ng babae at aayahang ang sperm na mahinog sa isang likido sa isang laboratoryo.
7. Pagpapahinog ng mangga at iba pang prutas
Sa pamamaraang ito gumagamit ng gamot sa mga prutas para ito ay sapilitang mahinog. Inilalagay sa isang kahon ang mga mangga at lalagyan ito ng isang uri ng gamot na pampahinog. Makalipas ang tatlong araw ang mga ito ay mahihinog at maaari na itong ibenta.
Para sa karagdagang kaalman tungkol dito, maaaring magpunta sa link na ito: Mga halimbawa ng artipisyal at biswal na tekstura?; brainly.ph/question/51266
#HOPE IT HELPS!
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.