IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

sahin ang buong akda. Gulayan sa Bakuran ni L E Abegonia Isang umagang aninag na ang bukang-liwayway ay naroon si Marirose sa maliit na gulayan sa kanilang bakuran. Pinalalabas siya ng kaniyang nanay sa mga ganoong oras dahil mukha daw siyang maputla at walang sigla Di rin gaanong nakikipaglaro sa labas at tila iilan lang ang kaibigan. Maya-maya ay lilinga-linga pagkat may naririnig na sumusutsot "Psssst, pssst! Halika laro tayo, matagal ka nang di lumabas ah," nakangiting bati ni Sally. "Bulaga! Oo nga Marirose, halika mag-ehersisyo muna tayo, ganito oh," pakembot-kembot na si Malou. Tamang-tama naman ang dating ni Karla na nagdya-jogging. "Tara laro na tayo, habang di pa tumataas si haring araw," wika ni Karla. Ang saya ng tatlong magkakaibigan habang naglalaro samantalang si Marirose ay tila walang lakas at hindi kumakain. Malamlam ang mga mata, malungkot at walang sigla. "Ayaw mo ba kaming kalaro o maging kaibigan, Marirose, makisali ka naman," bulalas ni Sally. "Alam ko na, gutom ka o pinagalitan ka ng nanay mo, kaya ganyan ka na di umiimik." tugon naman ni Malou. "Sabihin ninyo, di siya nag-almusal kasi ayaw niyang mag ulan ng gulay na luto ng nanay niya. di ba? Kita ninyo naging sakitin, payat, maputla, malamlam ang mga mata at walang sigla, umamin ka na kasi," sabay tapik ni Karla sa balikat niya.​

Sagot :

Answer:

Asan question jan?

asan

asaan?