Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Explanation:
Edukasyon
Mga A-Z▼
Wikang Filipino
Search
Ilagay sa search box ang inyong hinahanap.
TakdangAralin.ph
Gabay para sa mga estudyante
Halimbawa Ng Mitolohiya
magbigay ng mga halimbawa ng mitolohiya ng pilipinasMaaaring nakarinig ka na ng kwento mula sa iyong lolo at lola na nagpapaliwanag ng mga di-pangkaraniwang mga kaganapan tulad na lamang ng pagkabuo ng daigdig o di kaya naman kung saan nagmula g ito ay tinatawag na mito. Samantala, ang mitolohiya naman ay tumutukoy sa mga koleksyon ng mito sa isang partikular na lugar o bansa.
Iba’t Ibang Mitolohiya Ng Pilipinas
Ang mitolohiya ng Pilipinas ay nakapocus sa kwento ng mga mahiwagang nilalang at kung paano nabuo ang tao at ang mundo. Ilan sa mga popular na mga karakter sa mito ng ating bansa ay sila Bathala, Idianale, at Dumungan. Dahil ang Pilipinas ay nahahati sa libo-libong mga isla, nagkaroon ng mga iba-ibang bersyon ang bawat Mito.
Mayroon ding pagkakaiba sa ng pangalan ang mga Diyos at Diyosa. Halimbawa na lamang ay si Bathala sa mga Tagalog at si Kaptan sa mga Bisaya. Ang mga susunod na mga kwento ay ilan lamang sa mga pinaka sikat na mito ng ating lupang sinilangan.
1.) Ang Kwento ng Pagbuo sa Pilipinas – Noong unang panahon, wala pang lupa. Ang makikita lamang ay ang Langit, Karagatan at isang tila-ibon na nilalang. Ang Ibon ay lumilipad sa pagitan ng Langit at Karagatan. Dahil wala siyang madapuan, napagpasyahan niyang pag-awayin ang dalawang nilalang.
Nag-away nga ang dalawa. Nagpadala ng kidlat si Langit at humampas naman ang alon ng Dagat. Upang mapatigil si Dagat, nagpaulan ang Kalangitan ng mga bato. Ang mga naipong bato ang siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng Pilipinas.
2.) Si Malakas at Si Ganda – Ginawa ni Bathala ang lahat ng hayop at halaman dala ng kanyang kalungkutan. Malaparaiso ang sinaunang mundo ngunit walang tao na nakatira rito. Hanggang sa isang araw, may isang ibong lumipad sa himpapawid.
Natanaw nito ang pagkataas-taas na kawayan. Dala ng pagod, ito ay nagpasyang dumapo sa naturang kawayan. Habang nagpapahinga ay nakarinig siya ng tumutuktok sa loob ng halaman. May tinig na nakiusap na sila ay pakawalan.
Noong una ay ayaw ng ibon na biyakin ang kawayan dahil baka ito ay patibong lamang. Ngunit, may Nakita siyang butiki kaya inumpisahan niya itong tinuka. Kinalaunan ay nakawala ang butiki kaya pinagpatuloy na lamang ng ibon ang pagtuktok. Hanggang sa nabiyak ang kawayan at lumabas si Malakas.
Isinunod niya ang isa pang kawayan at doon naman lumabas ang isang mahinhing dilag na ang pangalan naman ay Maganda. Ang dalawa ang siyang nag-umpisa ng lahing kayumanggi.
Mga Mitolohiya ng Iba’t Bansa
10 na halimbawa ng mitolohiya ng pinasBukod sa mitolohiya ng ating bayan, marami pang mga natatanging alamat ng mga pinagmulan ng tao at mga ibang bansa tulad na lamang ng mitolohiya ng Gresya, Roma, Tsina at Hapon.
Tulad ng ating mga mito, ang kani-kanilang mga istorya ay tungkol din sa kanilang mga pinaniniwalaang mga Diyos, Diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang tulad na lamang ng Dragon sa Tsina at Hapon, Pegasus ng Gresya at Basilisk ng Roma.
Tulad ng mga mito ng ating bansa punong-puno din ng pangagaral, mistiko at kwento ng paglalayag at pakikipagsapalaran ang mga mito ng ibang nasyon.
Karagdagang Kaalaman:
Mitolohiya
Mitolohiya
Halimbawa Ng Sanhi At Bunga
Dayalek - Kahulugan At Halimbawa
Idyolek - Kahulugan At Halimbawa
Ezoicreport this ad
Mabuhay!
✏️ Ang TakdangAralin.PH ay ginawa ng estudyante para din sa mga estudyante. Sana po ay marami kayong matutunan sa inyong pag-bisita. Salamat!
search questions here…
Popular
Talumpati Tungkol Sa Edukasyon
Talumpati Tungkol Sa Edukasyon
Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging …
Matalinhagang Salita
Matalinhagang Salita
Ang wika ay sandata na ginagamit ng kahit …
Tula Tungkol Sa Pamilya
Tula Tungkol Sa Pamilya
Wala ng mas hihigit pa sa pamilya. Ang …
Barayti Ng Wika
Barayti Ng Wika
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan …
Magagandang Tanawin Sa Pilipinas
Magagandang Tanawin Sa Pilipinas
Ang bansa ng Pilipinas ay isang arkipelagong may …
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.