Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

pang abay na pamanahon

 



Sagot :

Answer:

Pang-abay

Ang pang-abay o adverb sa wikang Ingles ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay turing o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa iba pang pang-abay.  

Pang-abay na Pamanahon  

Ang pang-abay na pamanahon ay isang uri ng pang-abay na nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang isang kilos.  

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon

  • kahapon
  • kanina
  • araw-araw
  • kagabi
  • bukas
  • ngayon
  • mamaya
  • noon
  • tuwing umaga, tanghali, hapon o gabi
  • taun-taon

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na ginamit sa Pangungusap

  1. Dumating kahapon sina lolo at lola galing Maynila.
  2. Si nanay ay umalis kanina para mamalengke.
  3. Araw-araw akong nagbabasa ng libro.
  4. Nanood ako kagabi ng paborito kong teleserye.
  5. Aalis na bukas si ate patungong Amerika.
  6. Pupunta kami ngayon sa parke.
  7. Si Liza ay mamamasyal mamaya sa mall.
  8. Hindi pa uso noon ang paggamit ng mga gadgets.
  9. Tuwing umaga, nagwawalis ng bakuran si Nena.
  10. Taun-taon kaming bumibisita sa probinsiya nina lola sa Quezon.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:

brainly.ph/question/10205

#BetterWithBrainly