Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Ito ay estruktura ng pamilihan na may iisa lamang na konsyumer ng maraming uri ng produkto at serbisyo.

Sagot :

Ang Monopsonyo ay istruktura ng pamilihan na may iisa lamang na konsyumer ng maraming uri ng produkto at serbisyo.

Mayroong iba't ibang konsepto ng pamilihan. Kaugnay ng nasabing tanong, ang istruktura ng pamilihan na may iisa lamang na konsyumer ng maraming uri ng produkto at serbisyo ay tinatawag na Monopsonyo. Ang karagdagang detalye tungkol sa istruktura ng pamilihan na may iisa lamang na konsyumer ng maraming uri ng produkto at serbisyo ay narito.

I. Ano ang Monopsonyo?

  • Ang monopsonyo ay isang uri ng pamilihan na mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto o serbisyo.
  • Ang monopsonyo ay ang kabaligtaran ng monopolyo kung saan marami ang mga mamimili ngunit iisa lamang ang prodyuser ng produkto o serbisyo.

II. Halimbawa ng Monopsonyo

  • Ang halimbawa ng monopsonyo ay ang pamahalaan o gobyerno.
  • Ang pamahalaan ay wari'y iisa lamang mamimili na tumatangkilik sa serbisyo ng maraming mga pulis, traffic enforcer, at iba pa.

Iyan ang detalye tungkol sa istruktura ng pamilihan na may iisa lamang na konsyumer ng maraming uri ng produkto at serbisyo. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

  • Iba pang detalye tungkol sa monopsonyo: https://brainly.ph/question/295874 at https://brainly.ph/question/246319
  • Detalye tungkol naman sa monopolyo: https://brainly.ph/question/450426