Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Ang mesopotamia ay maituturing na isang kabihasnan dahil
- Dahil dito ay nagsimulang maging bihasa ang mga tao sa iba't-ibang larangan, gayundin sa mga institusyong pang estado o pamamahala, sa sistema ng pagtatago ng mga dukumento at sa mga makabagong teknolohiya.
- Natuto ang mga tao na mula sa pagiging nomad ay nagtatag sila ng permanenteng pamayanan.
- Dito rin nagsimula ang sistema ng irigasyon at pagsasaka, natuto silang gumamit ng mga sinaunag gamit sa pagsasaka.
- Dito rin natuto ang mga tao sa paggamit ng gulong bilang instrumento ng transportasyon at iba pang kagamitan nito.
- dito rin unang itinatag ang mga paaralan upang maipakalat ang paraan ng pagsulat at makapagtago ng talaan na pinamamahalaan ng simbahan o templo.
- Dito rin nagsimula ang isang uri ng pamamaraan ng paghahatid ng sulat at mensahe.
- Sa panahong Mesopotamia din unang ginamit ang paglalagay ng selyo na gawa sa putik para sa mga sulat.
- Dito rin itinalaga ang pagpapangalan sa mga taon batay sa pangalan ng mga hari.
Ang Mesopotamia ay nagmula sa salitang griyego ang Meso na nangangahulugan ng pagitan at ang potamos nangangahulugan naman ng ilog kaya ang ibig sabihin ng Mesopotamia ay Ang Lupain sa Pagitan ng Dalawang ilog. Ang malawak na lupain kung saan ay dumadaloy ang dalawang malaking ilog Tigris at Euphrates na pinag usbungan naman ng kauna-unahang lungsod sa daigdig.
Saan nga ba matatagpuan ang Mesopotamia?
Ang mesopotamia ay ating matatagpuan sa rehiyong Fertile Crescent, Kung saan ito ay isang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa Silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
Ang mga unang kabihasnan sa Mesopotamia
- Sumerian
- Akkadian
- Babylonian
- Hittites
- Assyrian
- Hebreo
- Phoenician
- Persian
- Chaldean
buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
ANO ANG MESOPOTAMIA??? brainly.ph/question/59256
In what place in mesopotamia is called sumer? brainly.ph/question/72614
Ano ang mesopotamia sa kasalukuyan? brainly.ph/question/1536856
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.