IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

mga uri ng tagapakinig

Sagot :

1.TWO-EARED LISTENER- ito ang pinakamagaling at epektibong tagapakinig.Ginagamit ang kanyang tainga at isip.

2.EAGER BEAVER- ang uri ng tagapakinig na mapagkunwari. Ngiti ng ngiti o kaya'y tango ng tango habang may nagsasalita sa harapan. Makikita sa kanyang mga mata ang kawalan ng pokus kaya isang malaking tanong kung naiintindihan ba niya ang kanyang narinig.

3.BEWILDERED- wala siyang alam o malay sa mga paksang narinig. Masasapantaha ito sa pagkunot ngkanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka sa kanyang mukha.

4.BUSY BEE- isang captive na tagapakinig hindi nakikinig ngunit hindi naman makaalis lalo na kung nasa loob ng klasrum. Abala sa ibang gawain gaya ng pagsusulat,pagdodrowing,pagmemake-up at iba pang mga gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

5.SLEEPER- tagapakinig na naka-upo sa isang tahimik na sulok ng silid ipinapikit ang mga mata at unti-unting inihilig ang ulo hanggang sa makatulog.

6.FROWNER- siya ay tagapakinig na wari ba'y laging nagdududa at may katanungan sa bawat narinig.

7.TIGER- laging naghihintay ng mga kamalian o maling sasabihin ng mga tagapagsalita. Para siyang tigrekung sumugod at magtanong kung nagkamali ang speaker.