IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Balikan Basahin at unawaing mabuti ang pabula. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang letra lamang. Ang Agila at ang kalapati Mayabang na inilatag ng Agila ang malalapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang mapansin ng aroganteng Hari ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na kalapati ang mga puting pakpak nito ay naghamon ang Agila. "Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?" Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapati na bigyan ng aral ang humahamon. "O sige," sagot ng Kalapati, "Kailan mo gustong magtunggali tayo?" Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na sagot ng hinamon. "I... ikaw ang bahala kung kailan mo gusto," sabi nito. Napansin ng Kalapati na may nakaambang pag-ulan dahil sa maitim na ulap sa kalangitan. Alam niyang ilang sandali lamang ay uulan na. "Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban, kailangang may kagat-kagat tayong anumang bagay sa paglipad natin. Dadalhin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw naman ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?" Tanong ng kalapati kay Agila. Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa asin. Napagkayariang sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at magtatapos sa tuktok ng Berdeng Bundok. Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak na dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang ulan.Ang bulaklak​