Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
dahil sikretong malupit haha
Explanation:
aoajsnsksidhdns haha
Answer:
Kahalagahan ng Wikang FilipinoAkda niJgaling sa sanaysay-filipino.blogspot.com
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ngpakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayarina tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito angnagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mgahiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan atmaiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang ilaw na magiging tanglaw ng mga Filipino upang mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang magsisilbing lakas
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Sama-sama nating palawakin ang ating komunidad ng karunungan at pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.