IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Sa pagsunog sa balangiga, kinuha ng mga amerikano ang tatlong KAMPANA na naging hudyat sa pagsalakay bilang war trophy ng kanilang tagumpay.
Answer:
Ang Balangiga Massacre ay isang insidenteng nangyari sa bayan ng Balangiga sa Samar noong ika-28 ng Setyembre, 1901, kung saan inatake at pinatay ng mga residente ng Balangiga ang mga Amerikanong sundalo sa lugar. Sorpresang umatake ang mga Filipino sa mga Amerikanong sundalo para ipaghiganti at palayain ang kanilang mga kababayang ikinulong ng mga sundalo.
Unang dumating ang mga sundalong Amerikanong bahagi ng Company C, 9th Infantry Regiment ng U.S. Army sa Balangiga noong ika-11 ng Agosto, 1901, bilang tugon sa panawagan ng alkalde ng bayan na tulungan itong protektahan ang bayan mula sa mga Muslim at mga rebelde. Kabilang sa mga dumating na sundalo ang nasa 74 beterano ng mga digmaan sa Tsina, Cuba at Hilagang Luzon, sa ilalim ng pamumuno ni Captain Thomas Connell.
Sa pagdating ng mga sundalo, sapilitan silang nanirahan sa mga bahay sa bayan at inutusan ang lahat ng mga lalaking residenteng edad 18 pataas na iwan ang kanilang mga pamilya at linisin ang kagubatan sa lugar para maiwasang gawing taguan ng mga gerilya. Sa gabi, pinapatira ang mga kalalakihan sa mga kuwadra. Napabalita rin na isang dalaga ang ginahasa ng isang Amerikanong sundalo.
Dahil sa pang-aabuso ng mga sundalo, pinagplanuhan ng mga residente ang pag-atake sa mga Amerikano. Noong ika-27 ng Setyembre, 1901, nagsimula sa kanilang pagkilos ang mga residente. Isang procession ng mga kababaihan na may dalang kabaong ng mga bata ang naglakad patungo sa simbahan. Nang pinigilan sila ng isang sundalo, ipinakita nila ang bangkay na laman ng kabaong. Sumigaw rin ng "El calenturon! El colera!" ang babae at pinalampas ng sundalo. Lingid sa kaniyang kaalaman, may mga bolong nakatago sa mga kabaong na siyang gagamitin sa pag-aaklas.
Kinabukasan, bandang alas-6 ng umaga, sinimulan ang pag-aaklas sa pamumuno ni Heneral Vicente Lukban. Inatake ng mga residente ang 74 na sundalong Amerikano habang sila ay nag-aagahan. Naging hudyat ng pagsisimula ng pag-aaklas ang pagpapaputok ng baril ni Pedro Sanchez, ang hepe ng kapulisan sa bayan. Pinatunog rin ang mga kampana sa simbahan sa Balangiga. Umabot sa 54 ang mga sundalong napatay ng mga residente, at 18 naman ang sugatan.
Halos maubos ang lahat ng miyembro ng Company C maliban sa ilang sundalong Amerikano, na gumanti at nagtagumpay sa pagpatay sa nasa 250 Filipino. Bumalik ang mga residente para ilibing ang kanilang mga namatay na kababayan saka iniwan ang bayan.
Noong ika-23 ng Oktubre, inutusan ni Brigadier General Jacob Smith ang nasa 300 U.S. Marines na gawing "howling wilderness" ang Samar. Gumanti ang mga Amerikano sa pamamagitan ng pagsunog sa buong bayan at pagpatay sa lahat ng mga sibilyang 10 taong gulang pataas. Kinuha rin ng mga Amerikano ang tatlong kampana sa simbahan ng Balangiga at dinala pabalik sa Estados Unidos.
Noong 2018, matapos ang 117 taon, naibalik na sa Balangiga ang tatlong kampanang kinuha ng mga Amerikano.
pa brain liest po
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.