Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano ang pagkakaiba ng isip at kilos loob

Sagot :

Answer:

Pagakaiba ng Isip at Kilos-Loob

Ang isip ang may kontrol sa ating buong katawan, ito ang may kakayahang magisip, magpasiya at magdesisyon para sa ating buhay kaugnay ng kilos loob, ang isip anggumagabay sa isang tao upang gumawa at kumilos ang isang tao tungo sa kabutihan.  

Samantalang ang kilos loob ay tumutukoy sa kakayahan sa paggawa ng isang bagay o gawain na naayon at nais ng ating kaisipan. Ito ang nagpapasya o nagdedesisyon na gawin anuman ang ating naisin.  

Gamit ng Isip

Ang ating isip ang kumokontrol sa lahat, sa lahat ng ating pagpapasiya at pagdedesisyon, ito ang gumagabay sa atin para magisip ng mga bagay kung ito ay tama at mali. Ito rin ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay. Mahalagang ang palaging pairalin at sundin ay ang ating isip dahil ito ang gagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapa-intindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin tungo sa paggawa ng kabutihan para sa ating kapwa.  

Gamit ng Kilos-Loob

  • Ang ating kilos loob ang may kakayahan at kapangyarihang pumili ng may laya sa kanyang mga kagustuhan ng walang sinumang naguutos o nagsasabi dito.  
  • Ang kilos loob ang gumagabay sa atin para magisip ng mga bagay at gawain kung ito ay tama at mali.  
  • Ang kilos loob ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay.  
  • Ang kilos loob din ang gagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapa-intindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin.  

Ginagamit natin ang ating isip at kilos loob upang magkaroon tayo ng kasiguraduhan na tama at angkop ang mga gagawin nating desisyon at aksyon sa pamamagitan ng masusuing pagsusuri at pagpapasiya upang hindi natin ito pagsisihan sa huli. Kailangang may disiplina at tiwala tayo sa ating sarili upang masigurado natin na tama ang ating ikikilos at gagawin. Isa pa, dapat marunong rin tayong magkontrol ng ating mga emosyon at nararamdaman. Kaya bago natin gawin ang isang bagay dapat determinado tayo upang makatulong ito sa ating pag-unlad bilang isang tao.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:

Kahulugan ng Kilos-Loob: brainly.ph/question/899622, brainly.ph/question/1789523

#BetterWithBrainly