Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

C. SANAYSAY

Ipaliwanag kung bakit naging modelo ng demokrasya ang athens. ano ang demokrasya para sa iyo

! NONESENSE ANSWERS WILL BE REPORTED !


Sagot :

Answer:

ito Ang aking sagot at sana makatulong

Explanation:

Ano nga ba ang demokrasya?Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng demokrasya: tuwiran at kinatawan. Sa tuwirang demokrasya, pinag-uusapan at pinagpapasiyahan ng mga tao mismo ang lehislatura.

Bakit nga ba naging modelo Ng demokrasya Ang Athens?Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.