IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Heograpiya
Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.
Dalawang Sangay ng Heograpiya
1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography)
Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).
Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pisikal
- Klima
- Heolohiya (Geology)
- Biolohiya (Biology)
- Iba pang sangay ng agham-pangkalikasan
2. Heograpiyang Pantao (Human Geography)
Ang heograpiyang pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.
Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pantao
- Wika
- Relihiyon,
- Lahi
- Pangkat-etniko
- Medisina
- Ekonomiya
- Politika
- Mga Lungsod
- Populasyon
- Kultura
Para sa karagdagan kaalaman, magtungo sa link na:
Kahulugan ng Heograpiya: brainly.ph/question/59176, brainly.ph/question/337842
Mga Bumubuo ng Heograpiya: brainly.ph/question/598425
#LetsStudy
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.