Napakasimple ng pagsasaka ng mga tao noong panahon.
Pagdating sa kagamitan, sariling mga pamamaraan lang ang ginagamit nilang
pantulong sa pagbubungkal, paglilinis, at iba pang gawain may kinalaman sa
preparasyon sa lupa. Mga hayop ang
kadalasang nagsisilbing makina, na siya namang katuwang ng isang magsasaka para
sa preparasyon sa lupa, at kung minsan pa nga pati sa pagtatanim.
Sa mga pananim, mga native na binhi ang kadalasang
itinatanim, kaya hindi rin marami ang naaani.
Magkagayunman ay nasasapatan naman ang pangangailangan ng pamilya.
Ang pag-aalaga ng hayop tulad ng manok, baka, kalabaw,
kambing, baboy at marami pa ay mahusay na paraan din ng pagsasaka na kahit sa
kasalukuyan ay namana pa rin natin ang pamamaraang ito. Madali lang kasing mag-alaga ng hayop dahil
marami ang damuhan noong panahon.