Alinsunod sa tradisyon ng mga Tsino, Pininiwalaan na itinatag ni
Emperador Hayuran Yu ang unang dinastiya ng Tsina. Sa ilalim ng kanyang
pamumuno nakontrol ang pagbaha ng Ilog Huang Ho. Hinati-hati niya ang
kanyang kaharian sa siyam na lalawigan, pinalawak ang teritiryo hanggang
Disyerto ng Gobi at sinugpo ang mga tribo sa timog.
Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Nakabatay sa tradisyon ang mga tala tungkol sa dinastiyang ito. Pinamunuan ito ng mga paring-hari na pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at paggamit nito.