Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Ang kasingkahulugan (synonyms) ay ang/mga salitang may kapareho ng kahulugan. Maraming mga salita ang may magkakapareho ang kahulugan. Mas magiging malawak ang bikabolaryo mo kung alam mo ang mga ito. Magiging mas masarap basahin ang isang dokumento na gumagamit ng mga magkakasingkahulugang mga salita.
100 na halimbawa ng magkasing-kahulugan na salita
- Aksidente - sakuna
- Alaala- gunita
- Alam- batid
- Alapaap- ulap
- Angal- reklamo
- Angkop- akma, bagay
- anyaya -imbita, kumbida
- anyo -itsura
- aralin -leksiyon
- asal -ugali
- asul -bughaw
- away- laban, basag-ulo
- bagyo- unos, sigwa
- bahagi- parte
- bahala - mananagot
- balat-sibuyas- maramdamin
- baliktad- tiwarik, saliwa
- bandila -watawat
- bantog -tanyag
- basahan- trapo
- bata- musmos, paslit
- batayan- basehan
- berde- luntian
- bigat -timbang
- bihira -madalang
- bilanggo- preso
- bintang- paratang
- bisita -panauhin
- boses- tinig
- braso- bisig
- bukod-tangi- naiiba
- bulok- panis
- bumagsak -lumagpak, natumba
- bunga -resulta
- buod -lagom
- butil- buto
- dahan-dahan- hinay-hinay
- dahilan- sanhi
- dala- hatid
- dalampasigan- baybayin
- damdamin -saloobin
- dami -bilang
- dasal -dalangin
- dayuhan- banyaga
- dekorasyon- palamuti
- deretso -tuwid
- desisyon- pasiya
- digmaan -giyera
- dilat- mulat
- dulo -hangganan
- duwag- bahag-buntot
- edad- gulang
- eksperto- dalubhasa
- gaod -sagwan
- gayahin- tularan
- giba -wasak
- gitna -sentro
- gobyerno -pamahalaan
- gramatika -balarila
- grupo -pangkat
- gumaling -maghilom
- gusto- ibig, hilig, nais
- haka- hinala
- hampas- palo
- hanapbuhay- trabaho, okupasyon
- handog -alay
- hangad- layon, nasa, nais
- harang -hadlang
- hardin -halamanan
- hatol -husga
- hila- higit, hatak
- himala --milagro, mirakulo
- himig -tono
- hinto- tigil, humpay
- hinuli -dinakip
- hiram- utang
- hugis -korte
- hurno- pugon
- huwaran -modelo
- iboto -ihalal
- iniwan- nilisan, pinabayaan
- kaakit-akit maalindog
- kadamay- kasangkot
- kaibigan -katoto
- kalbo- panot
- kalihim- sekretarya
- kama -higaan
- kamukha- kahawig
- kapos- kulang
- karaniwan- ordinaryo
- kasabay -kasama
- kasali -kalahok
- katarungan- hustisya
- katas -dagta
- katibayan- prueba, patunay
- katulad -kawangis, kapareho
- kirot -hapdi, sakit
- kopya- huwad, palsipikado
- criminal- salarin
- kuwento- salaysay
Ano ang kahulugan ng antonyms at synonyms? Basahin sa brainly.ph/question/558992.
Ano ang kasingkahulugan ng salitan bagyo? Alamin sa https://brainly.ph/question/2098186.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang maihahatid? Basahin sa https://brainly.ph/question/2128804.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.