Ang paksa ng tulang pinamagatang "Bayani ng Bukid" ay ang kahalagahan ng mga magsasaki. Malinaw ang pagpapahayag sa kwento na ang mga magsasaka ay tinatawag na bayani ng bukid sapagkat sila ay nag-aalaga ng mga pananim sa bukid hindi alintana ang init at lamig ng panahon. Ginagawa nila ito sapagkat sila lamang ang may kakayahang magpayabong ng mga tanim at sila ang dahilan kung bakit may pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga mamamayan, mahirap man o mayaman. Ipinapakita rin ang sakripisyong araw-araw na kinakaharap ng mga magsasaka upang magawa ang trabaho nila.