IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang egyptian?

Sagot :

             Dahil sa magandang klima at matabang lupa, umunlad ang sinaunang sibilisasyon ng Ehipto. Nakalatag ang Ehipto sa mainit na lupain ng Aprica at halos binubuo ng disyerto maliban sa mga oasis. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa ang mga taga-Ehipto na ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang mahalagang aspeto ng Ilog Nile ay ang hanging umiihip dito na tinatawag na Hanging Extensian na nanggagaling sa Dagat Mediterranean at umiihip patimog at pasalungat sa agos ng ilog. Ito ang nagpapalamig sa kabuuan ng lupain.
         Bukod dito, sila ay mahusay sa mga gawang-kamay tulad ng platero, manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.Ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka at pagpapastol. Ang barley, trigo at sari-saring mga gulay ang kanilang mga pananim. Nagmimina din sila ng tanso. Bumugso ang pagpapatayo ng mga kanal at daan sa panahong ito, ngunit dahil sa mataas na buwis, nag-aslsa ang mga Ehipsyano dahilan ng pagbagsak ng kaharian.