IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Ang halimbawa ng limang bansa na malapit sa ekwador ay Malaysia, Papua New Guinea, Venezuela, Peru, at Nigeria.
Ang ekwador ay ang imahinaryong linya na naghahati sa Hilagang Polo at Timog Polo. Ang halimbawa ng limang bansa na malapit sa ekwador ay Malaysia, Papua New Guinea, Venezuela, Peru, at Nigeria. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga bansa na malapit sa ekwador ay narito.
I. Ano nga ba ang ekwador?
- Ang ekwador ay ang imahinaryong linya na naghahati sa Hilagang Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole).
- Ang imahinaryong linya na ito ay nakapaikot sa gitna ng mundo.
II. Mga bansa na malapit sa ekwador
Ang halimbawa ng mga bansa na malapit sa ekwador ay ang mga sumusunod:
- Malaysia
- Papua New Guinea
- Venezuela
- Peru
- Nigeria
Bukod sa mga ito, narito pa ang ibang halimbawa ng mga bansa na malapit sa ekwador:
- Pilipinas
- Ethiopia
- Tanzania
- Sudan
III. Mga bansa na nasa ekwador
Bilang karagdagang impormasyon, may 13 bansa na dinadaanan ng ekwador. Narito ang mga bansang eksaktong dinadaanan ng ekwador.
- Ecuador
- Colombia
- Brazil
- Sao Tome & Principe
- Gabon
- Republic of the Congo
- Democratic Republic of the Congo
- Uganda
- Kenya
- Somalia
- Maldives
- Indonesia
- Kiribati
Iyan ang mga impormasyon tungkol sa mga halimbawa ng limang bansa na malapit sa ekwador. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
- Ano nga ba ang ekwador? https://brainly.ph/question/140425, https://brainly.ph/question/194794 at https://brainly.ph/question/119739
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.