Ang Maurya ay isang imperyong dating pinamunuan ni Chandragupta Maurya. Si Maurya ang dating sumakop sa Magadha noong araw. Ang hilagang India at ilang bahagi ng kasalukuyang Afghanistan ay ilan lamang sa mga nasasakupan ng Imperyong Maurya. Si Asoka ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at tinagurian ding isa sa pinakadakilang pinuno sa buong daigdig. Siya ang pinuno ng Maurya mula 269 B.C.E hanggan 232 B.C. E.
Ang Gupta naman ay ang imperyong binuo ni Chandragupta I. Ang imperyong ito ay bumagsak din sa mga kamay ng White Hun. Ang kabisera nito kung saan nagaganap ang sentro ng kalakalan ay tinatawag na Pataliputra. Makikitang naging maganda ang pamumuno sa Imperyong Gupta dahil sa pag-unlad ng panitikan, agham at sining dito. Yumabong din ang aspeto ng astronomiya, matematika, siruhiya sa mga panahong ito.
Ang Imperyong Mogul ay itinatag ni Babur at naging sakop nito ang hilagang India at Delhi. Sa ilalim ng pamumuno ni Akbar ay narating ng imperyo ang tugatog ng kaunlaran mula 1556 hanggang 1605. Ngunit humina ito pagdating ng mga Ingles sa India. Si Akbar ang siyang nagpapatupad ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa sa imperyo.