IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Ano ang pagkakaiba ng kakapusan sa kakulangan?

Sagot :

Ano nga ba ang pagkakaiba ng kakapusan sa kakulangan?

Ang Kakapusan ay tumutukoy sa kondisyon kung saan ang ating mga pinagkukunang yaman na ginagamit sa paglikha o paggawa ng mga produkto ay limitado na lamang,tinutukoy dito ang ating mga likas na yaman,katulad ng yamang mineral,yamang lupa,yamang tubig,at yamang gubat. Kaya mahalagang ito ay ang pangalagaan at huwag abusuhin upang hindi tayo makaranas ng kakapusan.At mapakinabangan parin ng ating mga susunod na henerasyon.

Mga dahilan ng kakapusan:

  • Kawalan ng tuos ng mga tao sa paggamit o pagkuha ng mga likas na yaman,upang kanilang matugunan ang ang walang katapusang pangangailangan.
  • Kawalan ng disiplina ng mga tao
  • Ang hindi pagiging renewable ng mga pinagkukunan ng yaman.

Ang Kakulangan ito ay tumutukoy naman sa sa pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto.Dito sa atin sa Pilipinas ang madalas na magkaroon ng shortage ay ang supply ng bigas,mga gulay,at kung minsan ay pati ang supply ng karne ng baboy at manok lalo na  kung nalalapit na ang holiday season.Ang kakulangan ay sinasabing pangsamantala lamang dahil tayo ay meron pang magagawang sulosyon upang ang ganitong mga problema ay matugunan.

Mga dahilan ng kakulangan:

  • Pagkakaroon ng El Niño o labis na tag-init na nagiging dahilan ng pagkatuyot ng ating mga lupain at mga tubigan ng mga magsasaka dahilan kung bakit namamatay ang kanilang mga panaanim.
  • Pagkakaroon ng El Niña o labis na tag-ulan na nagiging sanhi ng malawakang pagbaha at pagguho ng mga lupa,na ang kinahihinatnan ay ang pagkasira at pagkalunod ng mga pananaim ng mga magsasaka.
  • Ang pagdapo ng ibat ibang klase ng sakit sa mga alagang hayop na dahilan ng pagkamatay ng mga ito,at nagiging sanhi ng kakulangan ng supply ng mga karne sa mga pamilihan.
  • Ang pagkasira ng mga mga makinarya sa mga pabrika na ginagamit sa pag produce ng mga produkto ay nagiging sanhi rin ng kakulangan.

Buksan para sa karagdagang kaalaman  

https://brainly.ph/question/796534

https://brainly.ph/question/1549380

https://brainly.ph/question/138585