IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Ang elehiya ay naiiba sapagkat ito ay isang malungkot na tula o anumang katha na ipinatutungkol sa yumaong kamag-anak o mahal sa buhay.
Ano ang Elehiya?
- Ang elehiya ay isang uri ng Tulang Liriko na pumapaksa sa damdamin katulad ng kalungkutan, kasawian o kaligayahan Binibigyang-parangal dito ang mga nagawa ng yumao .
Mga Katangian ng Elehiya
- Tula ng pananangis- pag-alaala hinggil sa yumao .
- Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di masintahin.
Mga Elemento ng Elehiya
1. Tema- ito ang paksa ng tula. Ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.
2. Tauhan- ito ay tumutukoy sa taong sangkot sa tula.
3. Tagpuan- ito ang lugar o panahon na pinangyarihan ng tula
kaugalian at tradisyon.
4. Mga wikang ginamit- Ang impormal at pormal na salita. Impormal na salita na nangangahulugan ng madalas gamitin na salita sa pang araw-araw samantalang ang pormal na salita ay tumutukoy sa mga standard na salita.
5. Simbolismo- Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guni-guni ng mga mambabasa. Gumagamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan.
6. Tono- ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guni-guni ng mga mambabasa.
7. Persona- Ito ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
8. Damdamin
Halimbawa ng Elehiya:
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Bhutan Isinalin sa Filipino niPat V. Villafuerte
Hindi napapanahon! Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati"ilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya, maaaring magpunta sa link na ito: Kahulugan ng elehiya sa kamatayan ni kuya https://brainly.ph/question/262715
Unang saknong: Panghihinayang ng may akda sa kamatayan ng Kuya. Nawala na ang pagkakataon ng namatay na maabot ang kaniyang pangarap, dahil natapos na kaniyang malungkot na paglalakbay sa ibabaw ng lupa.
Ikalawang saknong: Pag-alala sa namatay. Inilarawan ang mga bagay na naiwan niya sa lupa na magpapa-alala sakaniyang mga mahal na buhay ng kaniyang pag-iral. Inalala ang bawat detalye ng kaniyang pagkatao na hindi makakalimutan ng mga mahal niya sa buhay.
Ikatlong saknong: Inilarawan ng may akda ang mga kabutihan at mga pangyayari sa buhay ng namatay.
Ikaapat na saknong: Paglalarawan ng may akda ng nararamdaman ng mga namatayan sa pagkamatay ng kaniyang kuya. Isinasaad din dito na hindi na makikita kailanman ng kahit sino ang kaniyang kuya.
Para makapagbasa ng iba pang halimbawa ng elehiya, maaring magpunta sa link na ito: Elehiya para sa kaibigan: https://brainly.ph/question/1088814
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.