Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

anu ang kahulugan ng mahalaga?

Sagot :

Kahulugan ng Mahalaga

Ang salitang mahalaga ay may salitang ugat na halaga. Ang kahulugan nito'y pagkakaroon ng pakinabang o kabuluhan ng tao, bagay, at iba pa. Masasabing mahalaga ang mga ito kung ito'y may saysay o silbi. Tandaan na maaaring mag-iba ang mahalaga sa bawat isa depende sa kung ano ang pangangailangan sa buhay. Sa Ingles, ito'y important.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang salitang mahalaga sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:

  • Maliit man o malaking halaga ng salapi na inyong maibibigay ay mahalaga para sa pagpapagamot ng aking ama.

  • Mahalaga na makatapos ka ng pag-aaral upang magkaroon ka ng magandang buhay.

  • Ang aking pamilya ang isa sa mga mahalaga sa aking buhay kaya naman ginagawa ko ang lahat para maibigay ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.

  • Mahalaga sa akin ang kwintas na ito dahil regalo ito ng aking ama.

Paraan upang maging mahalaga:

https://brainly.ph/question/2332543

#LearnWithBrainly