Ang giray ay nangangahulugang handog ngunit sa ibang lugar maaari itong tumutukoy sa pasuray-suray na paglalakad ng isang tao parang sa isang lasing o kaya'y ito ay tumutukoy sa isang bahay na malapit ng magiba o matumba. Ang ginagad ay nangangahulugang pagpapabaya. Ang nanghinamad ay tumutukoy sa pag-iinat ng isang tao upang makapagpahinga. Ang tinutop ay tumutukoy sa pagtakip ng bibig na senyales ng pagkahuli sa akto. Ang nagkalugkugan ay tumutukoy sa ingay na nililikha ng pagkalaglag o pagbabanggaan ng mga muwebles. Ang pahalipaw ay ang manipis na pagkakalat ng mga bagay sa isang rabaw.