Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
May dalawang kahulugan ang gatasan: pinagkukuhanan ng gatas (denotasyon) at pinagkukuhanan ng pera sa paraang kaduda-duda (konotasyon).
Denotasyon ang literal na paggamit sa salita o parirala habang ang konotasyon ay pansariling kahulugan ng tao, grupo, o sektor sa salita o parirala. Isang halimbawa ng konotasyon ang mga idyoma.
Tinutukoy ng gatasan ng mga kongresista at senador ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng ilang proyekto. Matagal nang isyu ang mga proyekto ng gobyernong may “patong” ang pondo. Ang naturang “kickback” ay napupunta umano sa mga opisyal ng gobyerno o mga politiko.
Pinakatalamak umano ang naturang pagpapalobo ng pondo ng isang proyekto sa paggawa o pag-aayos ng mga kalsada o gusali. Kalimitang kalakaran umano ng mga tiwali ang paggamit ng ‘di matitibay na materyales bukod pa sa sinasabing pagkuha ng kickback.
Marami nang katulad na katiwalian ang nalantad ngunit sa kasamaang-palad, bibihira ang napananagot ditong mga politiko. Tila mahina pa ang ngipin ng batas o ang mismong mga tagapagpatupad nito sa pagpapanagot sa mga sangkot sa korupsiyon.
Magbasa pa ukol sa katiwalian: https://brainly.ph/question/3125650
#SPJ2
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.