IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Para sa mga residente, delubyo kung ituring ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ngunit ngayon, pinagkukunan na nila ito ng biyaya.
Libo-libo rin ang nawalan ng tirahan sa itinuturing na ikalawang pinakamalaking pagsabog ng bulkan noong 20th century.
Marami ang nag-akala na tuluyan nang mabubura sa mapa ng Pilipinas ang lalawigan ng Pampanga.
Matapos ang 26 na taon, ang lahar na naminsala noon ay itinuturing nang biyaya ngayon.
Ang naiwang buhangin, nagbibigay na ngayon ng milyon-milyong pisong quarry collections.
Naging oportunidad rin ito para sa mga residente na makapagpundar ng ibang kabuhayan.
May ilang mga residente na nakakagawa ng iba't ibang religious images at mga handicraft mula sa abo at iba pang dala ng pagsabog ng bulkan.
Nabaon man sa lahar ang lalawigan, pinatunayan naman ng mga Kapampangan na kaya nilang muling makaahon mula rito.
Anumang pait ng bangungot ng karanasan, nangibabaw pa rin ang katatagan ng mga Kapampangan.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.