Answered

IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Ano ang kahulugan ng mandarambong, pirata, paghabi, encomendero, kuskos-balungos

Sagot :

Ang ibig sabihin ng mandarambong ay ang tao o mga taong marahas na kumukuha ng malakihang mga kayamanan o pag-aari ng isang bayan o komunidad. Ito ay isang ilegal na gawain.
Ang ibig sabihin naman ng pirata ay ang mga magnanakaw na sapilitang kumukuha ng kung anu-ano sa dagat. Ito ang mga magnanakaw sa dagat.
Ang paghabi ay ang paraan ng pagbuo ng isang disenyo o bagay gamit ang pinagsaklit-saklit o pinagsalit-salit na himaymay o sinulid.
Ang encomendero ay tumutukoy sa mga di tuwirang pinuno ng mga lupain noong panahon ng mga kastila
Ang kuskos-balungos ay tumutukoy sa puro salita at reklamo mula sa taong wala namang ginagawa upang matugunan ang mga reklamo at suliranin.