Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Kahulugan ng Kahabag-habag
Ang salitang kahabag-habag ay isang pang-uri na nag mula sa salitang ugat na habag na nangangahulugang "awa". Sa salitang ingles isinasalin ito sa mga salitang pitiful, miserable, piteous. Ginagamit ang salitang ito bilang pagpapakita ng nadarama o paglalarawan sa isang bagay, tao o pangyayari.
Kasingkahulugan ng Kahabag-habag
Narito ang mga kasingkahulugan ng salitang kahabag-habag:
- kaawa-awa
- kawawa
- kalunos-lunos
Halimbawa sa Pangungusap
- Kahabag-habag ang mga pangyayari sa Marawi City.
- Tinulungan sila ng mga nagboluntaryo dahil kahabag-habag ang sinapit nila sa kalamidad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan ng Kahabag-habag, Ano ang kahulugan ng kahabag-habag, tingnan ang mga sumusunod:
- https://brainly.ph/question/184710
- https://brainly.ph/question/283341
- https://brainly.ph/question/516228
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.