Ang Mesopotamia ang tinaguriang lunduyan ng kabihasnan o "cradle of civilizations". Ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain sa pagitan dalawang ilog. Dito nabuo at nagsimula ang iba't ibang sinaunang kabihasnan gaya ng Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian at Chaldeans. Maraming mga imbensyon ang nabuo at nalinang sa Mesopotamia gaya na lang ng agrikultura, paglikha ng gulong at araro, pagpapatayo ng ziggurat, paglikha ng kalipunan ng mga batas o Hammurabi's Code at marami pang iba. Ngunit bumagsak at nagwakas ang kabihasnan ng Mesopotamia nang masaksihan ng Mesopotamia at pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa Persia. Nang salakayin ang Babylonia ng taga Persya, ito ang naging dahilan upang maging bahagi ang Mesopotamiasa malawak na Imperyo ng Persya na umabot sa Ehipto. Sa pag-usbong ng sibilisasyon ng Gresya at pagbagsak ng Imperyo ng Persya ay tuluyang nagwakas ang kabihasnan ng Mesopotamia.