IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.  
a. dagli   
b. epiko  
c. alamat   
d.  mitolohiya  


Sagot :

Mitolohiya:

Sagot:

D

Ang mitolohiya ay kwento tungkol sa diyos at diyosa. Katunayan, ang salitang mitolohiya ay tumutukoy sa agham o pag – aaral ng mga mito. Ito rin ay tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang grupo ng tao sa isang partikular na lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos – diyosan noong unang panahon na dinadakila, pinipintakasi, at sinasamba ng mga sinaunang tao.  

Kahulugan ng mitolohiya: https://brainly.ph/question/131128

Layunin ng Mitolohiya:

  • Maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, at ng mga katangian ng iba pang mga nilalang.
  • Maipaliwanag ang nakakatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy.
  • Maglahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.  

Layunin ng mitolohiya: https://brainly.ph/question/495581

Gamit ng Mitolohiya:

  1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
  2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
  3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
  4. Magturo ng mabuting aral
  5. Maipaliwanag ang kasaysayan
  6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan

Tandaan:

Ang katagang mito ay nagmula sa salitang Latin na mythos at Griyego na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay hango pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya ang mito ay kumakatawan sa marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao.  

Sa bansang Pilipinas, ang mitolohiya ay tumutukoy sa mga kwentong bayan na naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa pagkagunaw ng daigdig noon. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang mitolohiya ng mga Ifugao ukol sa pagkagunaw ng mundo. Ang kanilang epiko ay pinamagatang “alim” na naglalahad ng pagkagunaw ng mundo dulot ng isang napakalaking baha.

Sa bansang Roma, ang mitolohiya ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga Roma hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga sinaunang taga - Roma na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.

Halimbawa ng mitolohiya: https://brainly.ph/question/235620