Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

tula para sa buwan ng nutrisyon

Sagot :

Tula Para sa Buwan ng Nutrisyon

Ang kalusugan ang napakahalagang yaman
Na ng bawat isa ay dapat makamtan
Na tanging makikita sa wastong timbang pa lang
Ang kalusugang lagi ay inaasam

Tamang nutrisyon at ehersisyo ang natatanging sagot 
Upang malusog na timbang ay madaling maabot
Kapag timbang ang problema, laging alalahanin
Nutrisyon at ehersisyo ay dapat ng suriin.

Mag-ehersisyo tuwing umaga
Subukang gumalaw kahit inaantok pa
Gawing maganda ang simula
At simulan ang araw na masigla

Kumain sa tamang oras
Ugaliin at samahan ng gulay at prutas
Upang kalusugan ay aangat 
At iwasang mangangayayat