Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao ? please paki sagot agad.

Sagot :

          Mahalagang pagtuunan ng pansin sa  pag-aaral tungkol sa Asya ang pag-aaral ng pisikal na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, vegetation cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at kabuhayan.

Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa
kanilang kapaligiran.Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog.