Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Ang kontinente ng Aysa ay halos magkatulad sa mga tampok na anyong-lupa at tubig. May pagkakahawig din ito sa mga deposito ng yamang mineral ngunit, nagkakaiba ito sa temperatura, lokasyon at panahon. Sa katangiang pisikal ay halos magkakatulad ang bawat kontinente, ngunit sa sukat, bilang ng populasyon, kaugalian, kultura’t tradisyon, ito ay magkakaiba. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.
Ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan at mga dagat.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.