IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Ang pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunang Hindu
Ang hihiwalay ng pangkat ng mga tao sa lipunan ng mga Hindu ay ang tinatawag na “Castes System”.
Explanation:
Ang Castes system ng mga Hindu ay nahahati sa apat na grupo na mayroong iba’t ibang katayuan sa lipunan. Ang sistemang ito ay nagmula sa batas ng Manu “The Laws of Manu”.
Ang mga kabilang sa Caste System ng Hindu:
- Brahmin
- Kshatriya
- Vaishya
- Shudra
- Untouchable (Dalits)
Ang kaunaunahang pangkat ay ang mga Brahmin, sila ang mayroon pinakamataas na katayuan sa lipunan, masasabing sila ay ang “Priestly class” napinapahintulutang ituro ang “Vedas”.
Ang mga Kshatriya ay ang grupo na kinabibiangan ng hari o namumuno sa lipunan ng mga Hindu. Bukod s pagtuturo nito, maaaring malaman ng Kshatriya ang lahat ng bagay tungkol sa Vedas. Tanging ang paniwala sa Dharma (duty to those who are lesser) ang namamagitan kabutihang asal sa pag-abuso ng Kshatriya sa kanyang kapangyarihan.
Ang mga kabilang sa grupo ng Vaishya ay pinapahiitulutang makapagnegosyo, magsaka o ano mang posisyon na mayroong kinalaman sa paghawak ng pera sa komunidad. Dahil dito nagkaroon din ng matas na pagtingin sa mga miyembro ng pangkat na ito.
Ang Shudra ay ang mababang pangkat ng mga tao sa Lipunan ng mga Hindu na tinitignan bilang alila ng tatlong unang nabanggit ng pangkat.
Ang mga tinatawag na Untouchables o Dalits ay ang mga tao na hindi man lamang tinitignan bilang kabilang sa Castes dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Mga dahilang kung bakit ang indibiduwal ay napapabilang sa Untouchables:
- Kung ang isang tao ay naging produkto ng pagsasama ng magkaibang castes.
- Kung nakapagtrabaho sa ipinagbabawal na hanapbuhay.
Halimbawa:
Hindi pinahihintulutan ang sino mang Hindu na pumasok sa pagawaan ng balat (leather factory), ipinagbabawal sa kanila ang paghawak ng pumanaw na baka, at dahil ang leather ay balat ng baka na namatay, ito ay bawal.
Ang mga untouchables ay tunay na outcasts, hindi maaring makihalubilo kailan man ang mga ito sa ibang miyembro ng Castes system.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Ang nagtatag ng Hinduism https://brainly.ph/question/83448
What type of government does South Asia have? https://brainly.ph/question/536279
Some facts about India https://brainly.ph/question/208652
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.