IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

mensahe ng carrot,itlog at butil ng kape

Sagot :

Ang Kuwento ng Butil ng Kape

Ang kuwento tungkol sa butil ng kape ay may iba't ibang mensahe batay sa paraan kung paano hinaharap ng tao ang mga pagsubok sa buhay na sinisimbolo ng tatlong mga bagay:

  • ang mensahe ng carrot;
  • ang mensahe itlog;
  • at ang mensahe butil ng kape.

Ang Mensahe ng Carrot

Katulad ng carrot na may matigas na panlabas na anyo na kapag inilagay sa kumukulong tubig ay lumalambot hanggang sa sumama na sa tubig. Ang mensahe nito ay maihahalintulad sa isang tao na mukhang malakas o matigas tingnan sa una ngunit kapag sinubok ng mga problema ay lumalambot at sumusuko dahil nawalan na ng tigas.

Ang Mensahe ng Itlog

Ang itlog naman na nababalot ng puti at may malambot na nakapaloob kapag inilagay sa tubig ay nagiging matigas ang laman nito. Parang tao, sa simula ay maprinsipyo at may mabuting paniniwala ngunit kapag marami na ang mga problema ay unti-unting bumibitiw sa magandang asal at nagiging matigas at masamang tao.

Ang Mensahe ng Butil ng Kape

Ito ay kakaiba, kapag inilagay sa mainit na tubig ay natutunaw at nag-iibang anyo na may lasa at kapaki-pakinabang sa ibang paraan. Ang mensahe nito ay parang yung taong kapag sinubok ay mas pinipiling magpadala sa agos at piliting mas maging mabuting nilalang pagkatapos ng mga pagsubok, may bago at magandang mga natutunan sa mga karanasan.

Ang personalidad ay matutukoy sa tatlong kapanahunan:

  1. sa panimula o impresyon
  2. sa panahon ng kagipitan o ang tunay na panloob na katangian
  3. sa pagtatapos ng isang pagsubok o ang subok na mga katangian

Iba pang pagpapakahulugan ng mensahe sa https://brainly.ph/question/147725.

Basahin ang buod ng parabula ng Butil ng Kape sa brainly.ph/question/159880.

Suriin ang sarili sa parabula ng Butil ng Kape. Basahin sa brainly.ph/question/199221.