IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
Ang Kahulugan ng Sosyolek
Sosyolek ang tawag sa isang uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na propesyon o ng anumang pangkat na kinabibilangan ng mga iba’t-ibang indibidwal. Sa mga wikang ito may mga salitang pormal at ang mga iba naman ay di-pormal.
Pormal ang tawag sa mga wika na gamit ng mga propesyonal o yung may mga mataas na natatapos tulad ng mga guro, doktor, nars at enhinyero. Di-pormal naman sa mga salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao sa lipunan. Kadalasan sa mga wikang ito ay kusa ring nawawala sa sirkulasyon kapag ito ay luma na at napagsawaan na ng mga gumagamit nito.
Mga Halimbawa ng Sosyolek
1.) Pro Bono Serbisyo
2.) Takdang Aralin
3.) Asignatura at kurikulum
4.) Astig
5.) Tapwe
6.) Mustah po
7.) Chx
8.) Boom Panes!
9.) Churva
10.) Chaka
11.) Ansabe?!
12.) Ala Areps