IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
Answer:
Wika ay Dinamiko
Sinasabing ang wika ay dinamiko sapagkat ito ay nagbabago. Ito ay buhay. Ito ay patuloy na nagbabago ayon na rin sa pamumuhay ng tao na mabilis ang takbo dulot ng agham at teknolohiya. Ito ay nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Ang pagiging malikhain ng tao ang lumilikha ng mga bagong salita.
Mga Halimbawa:
balbal
pangkabataan
pamprodukto
Ang mga salitang balbal ay pinakamababang antas ng wika. Sinasambit ito ng mga taong walang pinag - aralan. Kadalasan tinatawag itong kalokohang pananalita o salitang pangkanto.
Halimbawa:
erpats
parak
chimay
yosi
syota
Ang mga salitang pangkabataan ay mga salitang kadalasang bukambibig ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Sa kasalukuyan, ang maraming mga salita na ang umuusbong batay sa mga pangangailangan ng mga tao. Lalo na sa panahon ng "social media", maraming salita na at wika ang nagawa dahil sa mga nakakatawang mga pangyayari.
Halimbawa:
memes
lodi
petmalu
werpa
awit
Ang mga salitang pamprodukto ay mga salitang kadalasang maririnig sa pagoonline selling. Ito ang mga katagang madalas na ginagamit ng kapwa mamimili at tindera.
Halimbawa:
buyla
orig
freebies
mine
add to cart
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.