Malinaw ang mensaheng ipinahayag sa tulang "Bayani ng Bukid" ni Alejandrino Q. Perez kung saan ipinapamalas sa tula ang sakripisyo at pag-aaruga ng mga magsasaka sa kanilang mga taniman sa bukid. Ipinapakita sa tula na walang sapat na ulan o init ang siyang makakapigil sa mga bayani ng bukid upang alagaan ang mga pananim. Ang dedikasyon at pagmamahal ng isang magsasaka ay hindi lamang para sa personal na interes kundi para na rin sa ikabubuti ng karamihan at lahat ng mga mamamayan.