Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Answer:
1.HILAGANG ASYA
2.KANLURANG ASYA
3.TIMOG ASYA
4..SILANGANG ASYA
5.TIMOG - SILANGANG ASYA
Explanation:
ANG MGA URI NG KLIMA NG ASYA
• KLIMA – tumutukoy sa kalagayang atmospera ng isang bansa sa mahabang panahon hal. tag-ulan, tag-init, tag-lamig,tag-lagas at tag-sibol
• PANAHON – tumutukoy sa kalagayang atmospera ng isang lugar sa nakatakdang oras.
1. HILAGANG ASYA Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
2.KANLURANG ASYA Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, into’y kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
3.TIMOG ASYA Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatili malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
4. Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong into, ang mga bansa dito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon- mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon.
5.TIMOG - SILANGANG ASYA Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal, nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
Dalawang (2) Uri ng Monsoon
Hanging Habagat - Ang hanging habagat ay tinatawag ding southwest moonsoon, nagmumula sa karagatan patungong kontinente.. Ito ay nanggagaling sa timog kanluran. Karaniwang malakas pagbuhos ng pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha kapag habagat.
Hanging Amihan - malamig na hangin mula sa timog-kanluran na nagdadala nga bagyo.Hanging Amihan o Northeast Monsoon na nagmumula sa Siberia patungong Karagatan
Credits to: Jared Ram Juezan
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.