Ang parabula tulad ng " Ang Tusong Katiwala" at " Mensahe ng Butil ng Kape" ay maiuugnay sa totoong buhay. Ang pagiging tapat sa kapwa lalo na sa nakakataas ay napakalaking bagay upang mabuhay na tiwasay. Ang paglaban at pagiging matatag laban sa mga pagsubok at dagok ng buhay ay isa sa mga susi upang umunlad at magkaroon ng ginhawa sa buhay. Lahat ng pagsubok ay ibinigay ng Maykapal sa isang tao ay lilipas lamang at kayang malampasan pagkat hindi Siya nagbigay ng suliranin na higit pa sa pwedeng mapasan ng isang tao. Lahat ay lilipas at may kaniya-kaniyang layunin upang maituwid at magkaroon ng kasaganaan sa buhay.