Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Ang ibang hilig ay natututuhan sa mga karanasan, ang iba ay minamana, at
ang iba naman ay galing sa ating mga halaga at kakayahan. Ang mga nakatutulong ng hilig, ay ang: aptitude at potensyal at
pangkalahatang talino (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na
pagkatuto at pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay
batayan din ng iyong mga kasanayan, kakayahan at kadalubhasaan (proficiencies).
May dalawang aspeto ang hilig: ang larangan ng hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon.