Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Dekolonisasyon
Pagwawaksi ng pagtatangi o deskriminasyong pangwika at pangkultura sa bansa. Isinisigaw nito ang katotohanang ang mga karunungang - bayan at porma ng sining sa bawat sulok ng kapuluan ay karapat - dapat sa respeto, pagkilála, at tangkilik. Tungkol sa kultural, sikolohikal, at pang - ekonomiyang kalayaaan para sa mga katutubo. Upang maabot nila ang soberanya.
Ang karapatan at kakayahan ng mga katutubo na magdesisyon para sa kanilang mga lupain, kultura, at sistemang politikal at pang - ekonomiya ay isang bahagi ng soberanya. Ang dekolonisasyon ang daan tungo sa pagbuo ng sistemang pantay at patas, na tumutugon sa hindi pagkakapantay - pantay sa edukasyon, diyalogo, komunikasyon, at kilos.
Kahalagahan ng Dekolonisasyon:
- Ang dekolonisasyon ay isang pangyayaring nagaganap sa buong mundo. Isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng tao.
- Simula ng pag - alis sa kolonisasyon at paghakbang tungo sa panlipunang pagkakapantay - pantay at pagpapanatili ng kapaligiran.
- Makagawa ng batas para sa hustisya at magsimulang buuin ang hinaharap na walang karahasan, pagnanakaw, at pag - uubos ng lahi.
Ano ang deklonisasyon: https://brainly.ph/question/5349
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.