Ang "Tinig ng Ligaw na Gansa" ay akdang mula sa Ehipto. Ang gintong aral na mapupulot mula sa akda ay tungkol sa tunay na pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay handang masaktan para sa minamahal. Handa itong magbigay hanggat kaya at handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng minamahal. Kung minsan ang pagmamahal ay nakakasakit din sa ibang tao sapagkat dumarating tayo sa puntong wala na tayong pakialam sa ibang tao. Lagi na lang na ang ating iniisip ay ang ating sarili at wala ng iba. Nawawalan na tayo ng koneksyon sa labas ng mundo kung kaya't kahit ang ating pamilya ay napapabayaan na natin.