Napakasakit sa balat ang matingkad na sikat ng araw.
Ang matingkad sa pangungusap na ito ay naglalarawan sa init ng araw. Ang matingkad ay isang pang-uri na ang ibig sabihin ay maningning na sikat ng araw o ang tindi ng init nito. Sa pangungusap ipinapahayag na nagdudulot ng karamdaman ang labis na init ng araw katulad ng karamdaman sa balat. Karaniwang ang matinding init ng araw ay nakapagdudulot ng kanser sa balat kung kaya't pinapayuhan ang lahat na maging maingat at maalaga sa sarili.