IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
gamit niya ang wikang pambansa...
Explanation:
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt. Siya rin ay kilala bilang ama ng wikang pambansa. Ngunit ano nga ba ang naiambag ni Quezon dito?
Bago pa man naging opisyal ang Pamahalaang Komonwelt sa ating bansa noong 1935 hanggang sa sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Ingles at Español ang opisyal na wika sa Pilipinas.
Ambag Ni Manuel Quezon? – Ano Ang Ambag Ni Manuel Quezon Sa Wika?
Bukod dito, ang mga Pilipino sa iba’t-ibang rehiyon, probinsiya, at isla ay gumagamit ng sarili nilang wika. Dahil dito, itinadhana ng Saligang Batas ng 1935, ang pagtatatag at pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Sa isang mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Asamblea noong Oktubre 27, 1936, naging pokus niya ang pagkakaroon ng isang nasyonalidad at isang estado. Dahil dito, nais niya na dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.
Pero, bago paman napili ang wikang pambansa natin, nagkaroon ng malawak at masusuing pag-aaral para suriin ang karapat-dapat na wikang gagamitin. Ang mga mananaliksik na kasama sa pag-aaral na ito ay galing sa iba’t-ibang mga rehiyon sa Pilipinas. Sila ay sina Jaime C. de Veyra ng Samar-Leyte; at kinabilangan nina Santiago A. Fonacier, isang Ilokano; Filemon Sotto, isang Cebuano; Casimiro F. Perfecto, isang Bikolano, Felix S. Salas Rodriguez, isang Bisaya mula Panay; Hadji Butu, isang Moro; at Cecilio Lopez, isang Tagalog.
Noong Disyembre 13, 1937, napirmahan ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Dito, itinadhana ang wikang Filipino bilang wikang pambansa matapos ang dalawang taon.
#StaySafe.
#StaySafe.#CarryOnLearning.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!