Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Panuto: Basahin ang maiikling talataan sa ibaba. Piliin ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pagsang-ayon at pagsalungat. Isulat ito sa mga linyang nakahanda. Pagkatapos maisulat, hanapin ang mga hudyat o salita ng pagsang-ayon at pagsalungat, salungguhitan ito.

1. Ang politika batay sa maraming karanasan ng mga tao ay nagkakaroon ng kahulugang "marumi, pandaraya, panlilinlang sa mga tao at pang-aabuso sa kapangyarihan." Batay sa kahulugan ng diksiyunaryo, ang politika ay may kaugnayan sa mga prinsipyo at pamamaraan sa pagbuo at pamamalakad ng pamahalaan. Nangangahulugan din itong masining at mahusay na pakikipag-ugnayan sa mga tao at bansa. Kung gayon, ang politika ay hindi sadyang masama at marumi. Sumasama lamang ito kung ang mga taong kasangkot dito ay nakalilimot sa kabutihan. Talagang matatag na paninindigan ang katangiang dapat taglayin ng mga taong kasangkot sa politika. Ito ang kailangan ng ating bansa sa kasalukuyan - mga pinuno at lingkod bayang may matibay na paninindigan. 'Paninindigan' ni: Teresita P. Capili- Sayo PAGSALUNGAT:
PAGSANG-AYON:
2. Ngunit sadyang mapaglinlang ang panlabas na kaanyuan ng isang tao. Hindi natin alam na ang nasa loob ng mga paninging nakatatakot ay mga matang nagmamakaawa, nagsusumamo, humihingi ng kahit kaunting panahon. At hindi rin natin alam na sa likod ng maangas na anyo ay isang mabait na nilalang. Isang katauhang naghihirap ang kalooban. Oo, hindi natin alam at hindi malalaman ang mga ito dahil napakalakas ng dating sa atin ng suot nilang maskara. 'Alin ang Tunay na Totoo' ni: Marites V. Osoteo Baguio City
PAGSALUNGAT:
PAGSANG-AYON:​