Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

ang buwan at taon kong kelan sumiklab ang unang digmaan pandaigdig​

Sagot :

Answer:

Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War I o pinaikling WWI) ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan. Nagsimula ito noong ika-28 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasáma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibáka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo

Explanation:

Hope it helps po. Thank you and Pabrainliest po!

Answer:

July 28 1914

Explanation:

#CarryOnLearning

#Staysafe