IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
PANAHON na naman ng tag-ulan at bagyo na kadalasang nagdudulot ng pagbaha at landslide lalo sa mga bulnerableng lugar sa ating bansa. At taun-taon ay dumadaan sa bansa ang malalakas na bagyo na nagdudulot ng malaking pinsala sa mga komunidad sa siyudad at probinsya. Kung kaya, minabuti ng alagad.com.ph na maglabas ng ilang impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sakuna dulot ng bagyo (typhoon/storm), baha (floodings), landslide at iba pang kalamidad.Ang hazard o panganib ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na maaring magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, kabuhayan o pagkatigil ng panlipunan (social) at pang-ekonomiyang gawain ng isang komunidad. Ito ay maaaring magresulta sa isang disaster. Ang halimbawa ng mga hazard na madalas maranasan sa Pilipinas ay bagyo, lindol, baha, flashflood, landslide, pagputok ng bulkan, storm surge, tsunami, sunog, giyera at iba pa. Ang hazard ay maaring: nag-iisa - gaya ng sunog, magkasunod o dulot ng isa pang hazard - gaya ng lindol at tsunami, lindol at landslide o malakas na ulan at landslide, at kumbinasyon - gaya ng bagyo, malakas na ulan at landslide.
lumalambot ang ating lupa pag may baha na nakakadulot ng maraming landslide at iba pa.:)
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.