IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Mga napapanahong isyung pandaigdig
- Kahirapan
- Karapatang pantao
- Edukasyon
- Child labor
Mga pananaw tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig
- Kahirapan
Ayon sa ilan nating mga kababayan matinding kahirapan parin ang kanilang nararanasan, Sa palagay ko ay dahil sa kawalan ng pagkakakitaan at kakulangan ng mga mapapasukang trabaho sa bansa. Kahirapan na matagal ng problema ng ating lipunan at matagal ng dinadaing ng ating mga kababayan sa ganang akin lang naman dapat na tayo ay magtulungan sa aking mga kababayan hindi lang naman tayo dapat umasa sa mga magagawa ng pamahalaan dapat mismong tayo ay gumawa ng paraan upang maibsan ang labis na kahirapan na ating nararanasan, Huwag tayong maging tamad, huwag mamili ng mga pagkakakitaan basta ang mahalaga ito ay marangal.
- Karapatang pantao
Batay sa batas ng ating konstitusyon karapatan nating mga tao ang ang mabuhay ng marangal , karapatan ng pagkakapantay pantay sa harap ng batas, kalayaan sa pagsasalita, karapatan sa pagkain karapatang magkahanap buhay, karapatan sa edukasyon, ilan lamang iyan sa mga karapatan nating mga tao, sa kabilang dako ang ilan sa ating mga karapatan ay naabuso o hindi natin nakakamtam tulad nalang ng pagka-pantay pantay sa harap ng batas.ang ilan sa atin ay napaparusahan sa salang hindi ginawa sapagkat kung minsan ay may kinikilingan ang batas.
- Edukasyon
Sa tingin ko ang edukasyon ang isa sa mahahalagang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan sapagkat kung magkakaroon ng magandang edukasyon ang ating mga kabataan ay di malayong ito ang maging daan ng pagsugpo sa kahirapan. Ang pagkakaroon ng magandang edukasyon ang magbubukas sa kanila ng magandang oportunidad upang kumita ng malaki. samantala ito rin ang maiaambag nila sa lipunan ang pagkakaroon ng lipunan ng mga edukadong mamamayan ay malaking tulong dito.
- Child Labor
Sang ayon sa mga pag-aaral ay tumataas na ang kaso ng child labor sa ating bansa. Dahil daw sa kahirapan ay napipilitan ang mga bata na kumayod upang kumita para makatulong sa kanyang pamilya sa mga gastusin sa pang araw araw na pangangailangan. Sa kabilang banda ito ay ipinagbabawal sapagkat naaabuso ang karapatan ng mga bata, tungkulin ng mga magulang na sila ay pag-aralin at pakainin, karapatan ng mga bata ang pumasok sa eskwelahan, makipag laro sa kaibigan, at kumain ng sapat sa araw araw.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
hamon at isyu kinakaharap ng lipunan ngayon https://brainly.ph/question/556123
isyung kinakaharap ng bansang kanluran https://brainly.ph/question/549992
paano malulutas ang korapsyon sa bansa https://brainly.ph/question/1842041
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.